GCash Online Payment for Business Tax (City of Balanga)

Magandang balita! Maaari nang magbayad ang mga existing business owners sa Lungsod ng Balanga gamit ang Gcash app! Sundin lamang ang mga steps na ito: STEP 1. Para sa business owners na may hawak ng 2020 business permit, maaari kayong…

GCash Online Payment for Business Tax (City of Balanga)

Source

0
(0)

Magandang balita!

Maaari nang magbayad ang mga existing business owners sa Lungsod ng Balanga gamit ang Gcash app!

Sundin lamang ang mga steps na ito:

STEP 1. Para sa business owners na may hawak ng 2020 business permit, maaari kayong mag-proseso ng renewal ng inyong permits online. Bisitahin ang tinyurl.com/cob-ebpls. Ang inyong username at password ay makikita sa inyong hawak na permit.
– Username (numero sa ilalim ng QR Code)
– Password (series no e.g 2020-0123)

STEP 2. Kapag nakapag-login na, makikita ang pangalan ng inyong hawak na business. Makikita ang “Renew” button kung pwede na kayong mag-apply ng Renewal.

Kung ang inyong business ay may negative remarks na binigay ng alin mang departamento, kailangan muna itong ayusin bago makapag-renew.

Pindutin ang “Renew” button at punan ang lahat ng impormasyon na hinihingi sa form. (Kumuha ng CEDULA sa inyong barangay. Samantala, ang Barangay Business Clerance ay kasama na sa Renewal Assessment, hindi na kailangang kumuha sa barangay)

STEP 3: Pagka-submit ng inyong application, ito ay matatanggap ng LPFO na siyang magpo-proseso ng inyong application. Pagkatapos ay makakatanggap kayo ng email galing sa LPFO kapag nai-proseso na ang inyong application. Kasama nito ang assessment ng inyong business.

Pagkatanggap ng email, bisitahin muli ang inyong account, at may makikita kayong “Pay” button.

Pindutin ang “Pay” button. May dalawang pagpipilian para makapagbayad:
– Pay Online – Gamit ang PayMaya o Gcash
– Treasury office – ipakita lang ang na-generate na QR Code sa cashier para magbayad.

MAGBAYAD GAMIT ANG GCASH

STEP 4: I-click ang Gcash bilang iyong mode of payment (May P20.00 na service charge para rito.)

STEP 5: Gamit ang iyong Gcash App, i-click ang “Pay QR,” o swipe left.

Para sa desktop users: I-scan ang QR Code gamit ang mobile phone.
Para sa mobile users: I-screenshot ang Balanga
City Treasurer’s Office Business Division QR Code at i-upload ito.

Ilagay ang halaga ng iyong babayaran. Click “Next” at magbayad.

STEP 6: Makakatanggap ka ng text message mula sa Gcash. Siguraduhing mailalagay ang Reference Number na nakasaad dito, pati na rin ang SMS screenshot. I-click ang “Submit.”

STEP 7 : Hintayin ang email mula sa Balanga City Treasurer’s Office para sa kumpirmasyon at detalye ng iyong transaksyon.

Para sa ibang impormasyon o katanungan, tumawag sa (047) 237-0704 o 237-3404 o mag-email sa ctobalanga.payment@gmail.com

Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga na sa pamamagitan nito ay mabigyan kayo ng pagkakataon na makapagbayad ng inyong business tax sa higit na ligtas at mas mabilis na paraan.

0 / 5. 0